Pinabulaanan ni Department of National Defense Secretary Gilbert Teodoro na wala siyang plano na tumakbo sa 2025 midterm elections dahil nakatuon siya sa kaniyang mga tungkulin bilang defense secretary.
Ginawa ng kalihim ang paglilinaw kasabay ng kaniyang pagbisita sa EDCA sites sa Palawan nitong Huwebes.
Saad pa ng DND chief na nananatili siyang committed sa kaniyang pangako kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sa pagpapalakas ng Hukbong Sandatahan ng Pilipinas gayundin ang pagsasaayos sa DND para mas maging episyente pa at maihanda ang militar tungo sa external defense.
Ito aniya ang commitment ng kalihim sa Pangulo at sa mamamayang Pilipino para protektahan ang territorial integrity at soberaniya ng ating bansa.
Una na ring tinawag ng kalihim na fake news ang usap-usapan na nagbitiw siya sa kaniyang pwesto. Pinabulaanan din ng Malacañang maging si Pangulong Marcos ang naturang usapin.