-- Advertisements --
Handang tumulong ang Department of National Defense (DND) sa mga ahensyang namamahala sa para sa paglikas sa mga Pilipinong nasa Ukraine ngayon.
Sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na masusi nang sinusubaybayan ng kagawarana ang sitwasyon sa Ukraine.
Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) na siyang nangunguna sa pag-aasikaso ng repatriation ng mga kababayan natin sa nasabing bansa, nasa 181 ang bilang ng mga Pinoy na kanilang naitatalang nasa Ukraine, at may 37 pa na papunta sa Lviv na target na ilikas din.
Tinatayang nasa kabuuang nasa 380 Pinoy ang naiipit ngayon sa kaguluhan sa Ukraine at may iilan na rin na nakauwe na sa bansa habang ang iba naman ay lumikas kasama kanilang mga amo.