Hinimok ng Department of National Defense (DND) ang publiko na tgilan ang pagpapakalat ng unverified at misleading information sa status ng panukalang humihiling para sa reporma sa pension system ng mga military at uniformed personnel (MUP).
Bagkus ay dapat na maging discerning ang publiko sa mga impormasyong kanilang natatanggap at ipinapakalat online.
Nilinaw ni Defense spokesperson Arsenio Andolong nasa proseso pa ng dliberation ang MUP pension reform bill sa kongres at sa kasalukyan wala pang pagbabago sa sahod ng mga active personnel at sa pension ng mga retirees mula sa uniformed services.
Ayon kay Andolong, sa salary standardization para sa civilian government semployees sa ilalim ng RA 11466 o ang Salary Standardization Law of 2019 hindi nito saklaw ang military at uniformed personnel base sa nakapaloob sa Section 4(a) ng naturang batas.
Nauna ng kinumpirma ng DND at ng Department of Finance na ang proposed reform ng Duterte administration sa MUP pension system ay para lamang sa mga new entrants sa serbisyo.