-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Pinawi ni Department of National Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr ang pangamba ng publiko na magdagdag pa ng lokasyon ng Enhanced Defense Comprehensive Agreement (EDCA) hindi lang sa Cagayan de Oro City subalit sa bisinidad ng Phividec ng Tagoloan,Misamis Oriental.

Kasunod ito ng kompirmasyon ni Teodoro na magtatayo ang pambansang-depensa ng naval base sa Phividec na magsilbing Philippine Navy operation center ng Philippine Navy para sa Mindanao.

Sinabi ni Teodoro na ang pagpapatayo ng Mindanao-based naval operation center ng Philippine Navy ay upang makadaung ang mga malalaking mga barko na kargado ng kagamitang-militar hindi lang sa EDCA site ng Cagayan de Oro subalit sa ibang pangangailangan para sa rehiyon.

Magugunitang ang Phividec ay nasa ilalim ng DND supervision kung saan itinuring na lumilikom ng taunang pondo mula sa foreign locators na nagne-negosyo sa Misamis Oriental upang gamitin para sa mga natitirang mga beterano at kanilang mga kaanak.

Napag-alaman na kagagaling nag-inspection ni Teodoro at ilang AFP officials sa mga pasilidad ng dating Lumbia airport na gagawin ng headquarters ng 15th Strike Wing ng PAF katabi ang EDCA building na personal na pamamahalaan ng tropang Kano.