-- Advertisements --
Tiniyak ng Department of National Defense (DND) na kanilang iimbestigahan ang nangyaring paghabol ng Chinese missile boat sa sinakyang bangka ng mga mangingisdang Pinoy kasama ang isang crew ng TV station.
Sinabi ni DND spokesman Arsenio Andolong na ipinarating na nila sa Armed Forces of the Philippines ang nasabing ulat.
Anumang resulta ng imbestigasyon ay agad nilang idudulog ito sa mga nararapat na ahensiya.
Maging ang AFP ay nag-alala rin sa pangyayari kung saan ayon kay AFP spokesman Maj. General Edgar Arevalo na hihingi sila ng kopya ng video ng pangyayari.
Nauna rito hinabol ng missile boat ng China ang bangka ng mga Filipino fisherman habang naglalayag sa West Philippine Sea.