-- Advertisements --

Ipinagtanggol ni Department of Defense Secretary Delfin Lorenzana si Lt. General Antonio Parlade matapos na panawagan ng ilang senador na magbitiw na ito sa puwesto.

Sinabi ng kalihim na nangunguna ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa anti-insurgency campaign ng bansa.

Sila rin ang napiling manguna base na rin sa binuong National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-Elcac) ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Mula pa aniya noong 2017 ay ang AFP na ang nag-iimplementa ng nasabing executive order matapos na ibasura ang peace negotation ng gobyerno sa Communist Party of the Philippines.

Nauna ng isinusulong ng ilang senador na tanggalin sa puwesto si Parlade na commander ng Southern Luzon Command, kung saan ayon sa 1987 Constitution na ang sinumang aktibong military officer ay hindi dapat italaga sa civilian post sa gobyerno.