-- Advertisements --

Mariing pinabulaanan ni Department of National Defense (DND) Secretary Delfin Lorenzana ang kumalat na balita na magpapatupad ng martial law si Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Kasunod ito sa kumalat na isang voice message na nanghihikayat sa mga mamamayan na mag-imbak na ng pagkain ng ilang araw dahil sa nakatakdang pagdeklara ng pangulo.

Ayon sa kalihim na isang fake news aniya ang nasabing kumalat na voice message mula sa hindi kilalang indibidwal.

Magugunitang ilang lugar na rin sa bansa ang inilagay sa Alert Level 3 dahil sa patuloy na pagsipa ng kaso ng COVID-19.