-- Advertisements --
image 21

Nagpaabot ng pakikiramay ang Department of National Defense (DND) sa pagpanaw ni dating Philippine Air Force (PAF) chief Major General Ramon Farolan na pumanaw sa edad na 88 anyos.

Ipinaabot ni Defense spokesperson Arsenio Andolong sa isang statement ang pakikidalamhati sa pamilya at mga kaibigan ng dating Coomanding General ng Philippine Air Force na isang seasoned diplomat, dedicated public servant at respetadong kolumnista.

Si Farolan ay miyembro ng Philippine Military Academy Class of 1956 at nagtapos mula sa PAF flying School noong 1957.

Sinabi din ni Andolong na nagsilbi si Farolan nang hindi natitinag na dedikasyon at commitment sa kaniyang karera na nag-ambag ng significant contributions sa national defense ng bansa na nagpapakita ng pambihirang liderato at propesyonalismo sa bawat ginamapanan nitong tungkulin.

Ipinanganak si Farolan sa Baguio City noong August 31, 1934 at naging ika-16 na commanding general ng PAF na nagsilbi mula Feb. 25 hanggang Oct. 8, 1986.