-- Advertisements --

Muling nagpahayag ng buong suporta ang Department of National Defense para sa rehabilitation efforts sa Marawi City.

Ito ang tiniyak ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. sa kasagsagan ng isinagawang courtesy call ni Presidential Adviser for Marawi Rehabilitation, Secretary Nasser Pangandaman Sr. sa tanggapan ng DND.

Dito ay kapwa nagpahayag ng pangako ang dalawang opisyal ng buong kooperasyon para sa pagkamit ng pangmatagalang kapayapaan at katatagan sa Marawi City.

Kung maaalala, sinimulan ang rehabilitasyon sa Marawi matapos ang iniwang malaking pinsalang labanan sa lungsod sa pagitan ng mga teroristang grupo at tropa ng mga militar noong Oktubre ng taong 2017 na tumagal sa loob ng limang buwan.