Simple at mula sa puso ang naging talumpati ni Pang. Rodrigo Duterte sa kaniyang huling SONA kahapon.
Ito ang inihayag ni Defense Secretary Delfin Lorenzana.
Ayon sa kalihim, nagpapasalamat sila sa suporta ng Pangulo para sa pagsusulong ng kanilang kapakanan at pagpapalakas ng kanilang kakahayahan.
Kasama na rito ang pagtataas sa sahod ng mga sundalo at programa para wakasan ang local communist insurgeny, pagbibigay ng benepisyo sa mga sumukong rebelde at ang pagkakapasa ng Bangsa Moro Basic Law para sa mga kapatid nating Muslim.
Sinabi ni Lorenzana, katulad ng kanilang Commander-in-chief, kinikilala niya ang mga accomplishments o nakamit ng kanilang organisasyon sa nakalipas na limang taon at dahil dito, napagtanto nila na marami pang dapat na gawin.
Sa nalalabing 11 buwan ng panunungkulan ni Duterte, sinabi ni Lorenzana, kanila pa rin isusulong ang modernization ng AFP at iba pang programa na makatutulong sa pagpapaunlad ng kanilang kakayahanan.
Malayo na umano ang narating ng bansa mula 2016 at dapat ito na ipagpatuloy.