-- Advertisements --
image 426

Nais ng Department of National Defense na ma-exempt ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa pagpapatupad ng anti-discrimination bill batay sa sexual orientation at gender identity expression (SOGIE) ng isang tao sakaling maging batas ito.

Ang abogadong si Arjay Lim, pinuno ng Department of National Defense o DND Legislative Division, ay nagpahayag ng pagkabahala na ang kahulugan ng diskriminasyon sa ilalim ng nakabinbing equality bill ay napakalawak at maaaring makaapekto sa mga patakaran ng militar.

Sa pagdinig ng House Committee on Women and Gender Equality sa sexual orientation at gender identity expression equality bills, sinabi ni Lim na habang walang diskriminasyon ang departamento at AFP sa mga aplikante sa serbisyo militar, dapat sundin ang mga kwalipikasyon at pamantayan sa pagpili ng mga sundalo.

Ani Lim ito ay maaaring magkaroon ng hindi kinakailangang mga epekto sa aktwal na proseso ng pagpapalista, tulad ng paglalaan ng mga quota para sa isang partikular na grupo.

Binanggit niya ang panukalang batas na inihain ni Bataan Rep. Geraldine Roman bilang isang halimbawa ng isang discriminatory practice.

Una na rito, isang technical working group ang nilikha para masusing talakayin ang walong nakabinbing sexual orientation at gender identity expression (SOGIE) equality bill sa Kamara.