-- Advertisements --
DND Sec Delfin Lorenzana
DND Sec. Delfin Lorenzana/ FB post

Nanawagan si Department of National Defense (DND) Secretary Delfin Lorenzana sa mga kabataan na pagsilbihan ang bansa.

Sa kaniyang mensahe sa Naitonal Heroes’ Day na ipinagdiriwang ngayong araw Agosto 26, patuloy ang panawagan nito sa mga Filipino na ipagtanggol at protektahan ang ipinaglaban ng mga bayani.

Responsibilidad din ng bawat isa na turuan ang mga kabataan kung paano mahalin ang bansa.

Isang magandang paraan ay ang pagsasailalim sa Reserve Officers’ Training Corps (ROTC) program sa bansa.

Dahil dito ay matututunan ng mga kabataan ang disiplina at respeto sa bansa.