-- Advertisements --
Lorenzana
DND Sec. Delfin Lorenzana

Nanawagan ngayon si Defense Secretary Delfin Lorenzana sa lahat ng goverment agencies na makiisa at suportahan ang Nationwide Dengue Epidemic Response, matapos ideklara ng Department of Health (DOH) ang National Dengue Epidemic.

Ayon kay Lorenzana, lahat ng mga ahensiya ng pamahalaan na miyembro ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) ay obligadong suportahan ang hakbang ng DOH para mabigyang kalutasan ang problema sa dengue.

Isang memorandum of agreement ang nilagdaan ng DOH at NDRRMC para sila ay magsanib pwersa para puksain ang dengue.

Ayon kay Lorenzana, suportado ng DND, NDRRMC at iba pang ahensya ng gobyerno ang pagdedeklara ng National Dengue Epidemic ng DOH dahil na rin sa pagtaas ng kaso ng dengue at dami ng mga namamatay.

Sa datos ng DOH mula January hanggang July 20 ng taong ito umabot na sa 146, 062 dengue cases ang naitala kung saan 622 na naitatalang namatay.

Mataas ito ng 98 percent kung ikukumpara sa nakalipas ng taon ng kaparehong buwan.

Ang Western Visayas ang may pinakamaraming naitalang namatay na umaabot sa 23, 330 dengue cases.

Simula din sa araw na ito ay sisimulan na ang Regular 4:00 O’clock Habit ang Deng-gue out.

Ito ay ang sabayang pagkilos ng lahat ng mga LGU’s at mga concerned agencies upang hanapin at sirain ang mga lugar na pinamumugaran ng mga lamok na nagdadala ng dengue.

Ayon naman kay NDRRMC Executive Director USec Ricardo Jalad na palakasin nila ang kanilang monitoring at ugnayan sa mga local DRRMC at LGUs para mapuksa ang Dengue.