-- Advertisements --

Kinasuhan na ng PNP Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang babaeng Chinese na naaktuhang nagbebenta ng mga gamot na may Chinese markings at walang lisensya na mag-operate mula sa Food and Drug Administration (FDA).

Naaresto si Yan Wang sa kaniyang clinic sa Branco Avenue sa Paranaque city kung saan nakuha ang iba’t-ibang uri ng mga gamot, medical supplies at mga kagamitan.

Ayon kay Police Lt. Col. Erwin Dayag, hepe ng Anti-Transnational Crime Unit (ATCU) ng CIDG, isinumite na nila ang mga nakumpiskang gamot sa FDA para suriin kung ang mga ito ay gamot sa COVID-19 na iligal na ibinebenta ng suspek.