-- Advertisements --
Nagnegatibo na sa COVID-19 si Department of National Defense (DND) Secretary Delfin Lorenzana.
Sinabi nito, tinapos muna niya ang kaniyang mandatory quarantine period bago nagpa-swab test at lumabas na ito ay negatibo na.
Pinasalamatan nito ang mga taong nagdasal para sa agarang paggaling niya mula sa virus.
Nagpahayag na rin ito ng kasabikan na makabalik sa trabaho.
Magugunitang nagpositibo sa virus ang kalihim kahit na ito ay asymptomatic kaya nagpasya na sumailalim muna sa mandatory quarantine.