Muling pinaalalahan ni Department of Defense (DND) Secretary Delfin Lorenzana ang China na tigilan na ang pagsasagawa ng mga aktibidad sa karagatang sakop ng Pilipinas sa West Philippine Sea dahil ito ay makakasira sa regional at international peace and security.
Dagdag pa nito, ang presensya ng mga Chinese maritime militias sa lugar ay nagpapakita ng kanilang intensiyon na agawin ang lugar.
Ginawa na rin aniya nila ang insidente noon sa Panatag Shoal o Bajo de Masinloc at sa Panganiban Reef na malinaw na paglabag sa soberenya ng bansa at ang sovereign rights sa ilalim ng international law.
Magugunitang naghain na ng diplomatic protest ang bansa dahil sa presensya ng mahigit 200 na mga barko ng China sa Julian Felipe Reef na pinabulaanan naman ng Chinese Embassy at sinabing nagpapatila lamang ang mga ito ng masamang panahon.
Bagay na hindi naman tinanggap ni Lorenzana.