-- Advertisements --
Itinanggi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana, na ang usapin na inatake ito sa puso kaya siya dinala sa pagamutan.
Sinabi ng kalihim na kaya siya nasa Veterans Memorial hospital ay dahil sumasailialim ito ng executive check up.
Dagdag pa ng 70-anyos na kalihim na pinayuhan siya ng kaniyang doktor na mamahinga ng hanggang dalawang araw at iniuugnay ang kaniyang pagkaka-ospital dahil sa labis na kapaguran.
Isang malaking kasinungalingan ang kumalat na balita na ito ay inatake sa puso kaya siya itinakbo sa pagamutan.