Ikinagalak at mainit na tinanggap ni Department of National Defense (DND) Sec. Gilberto Teodoro si Indonesian Minister of Defense H.E. Sjafrie Sjamsoeddin para sa isang isinagawang intoductory visit at courtesy call sa Mandaluyong ngayong araw.
Ayon sa kalihim, ang pagbisitang ito ni Sjamsoeddin ay para talakayin ang pagpapalalim ng ugnayan ng dalawang bansa para sa kooperasyon ng defense department ng Indonesia sa sandatahang lakas ng Pilipinas.
Layon din ng pagkikita ng dalawang opisyal na maliban sa pagpapatibay ng defense industry cooperation at palakasin din ang ASEAN solidarity at ang pagpapanatili ng mga trilateral talks kasama ang Malaysia.
Ang kasunduang nilagdan ay layon ding masolusyunan ang mga hamon na kinakaharap ng parehong bansa lao na sa mga usaping climate change na siyang parehong problema na kinkaharap ng Indonesia at maging ng Pilipinas.
Ani Teodoro, bubuo ng isang joint climate change response and enhancement para mapagplanuhan at masolusyunan ang mga hamon na dinudulot ng climate change.
Nakikita naman ni Teodoro na magiging epektibo sa pagresponde sa mga kalamidad at banta ang bansa kung pagsasamahin ang mga response elements ng parehong bansa para sa iang mabisa at mabilis na response style.
Kasama rin sa naging talakayan ang paguusap tungkol sa pagpapanatili ng kapayapan.
Napagusapan kasi ng dalawang lider na kung may mga lugar man na hihilinging makilahok ang Indonesia at Pilipinas para sa usapin ng kapayapaan ay kanila itong tutugunan.
Ani Teodoro, isang mahalagang bahagi ng international engagement ng Pilipinas ang makipagkasundo at bumuo ng koordinasyon sa iba pang mga bansa upang mapanatiling mas protektado ang mga peacekeepers.
Samantala, binigyang diin rin ni Teodoro na isang mahalagang pagbisita ang ginawa ng Indonesian Minister of Defense sa Pilipinas para sa mas malalim na ugnayan at malakas na alyansa sa Indonesia.