Nanawagan din ng mas malalimang pagkakasa ng imbestigasyon si Department of National Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. laban kay Bamban, Tarlac City Mayo Alice Guo na sentro ng kontrobersiya ngayon.
Sa gitna ng nagpapatuloy na imbestigasyon isinisagawa ng mga mambabatas sa isang ilegal Philippine Offshore Gaming Operators hub na iniuugnay din laban sa kaniya.
Ayon kay Defense Secretary Teodoro, kinakailangan na magkaroon ng malalimang imbestigasyon hinggil sa isyung kinasasangkutan ni Guo, gayundin ang mga paglabag sa batas na posibleng nagawa nito.
Imposible kasi aniya ang makapag-operate ang naturang ilegal na POGO hub nang walang pahintulot o pangkukunsinti ng sinumang opisyal na mula sa local, provincial, national, o maging sa panig ng police official.
Samantala, sa ngayon ay nagpapatuloy pa rin ang ikinakasang imbestigasyon ng mga kinauukulan hinggil sa mga isyung iniuugnay kay Mayor Guo at maging sa pagkalkal pa sa kaniyang background, gayundin ang mga kaso ng POGO firm na iniuugnay laban sa kaniya.