Inaasahan ni Department of National Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. ang pagsusulong ng VFA ng Pilipinas at bansang New Zealand.
Kaugnay nito ay malugod na tinanggap ng kalihim sina Right Honorable Winston Raymond Peters PC, Deputy Prime Minister (DPM) and Minister of Foreign Affairs of New Zealand (NZ) sa Camp Aguinaldo.
Nagpulong ang dalawang opisyal ay nagpulong kamakailan habang pinasalamatan ng kalihim ang bansang New Zealand dahil sa suporta nito sa bansa.
Ayon kay Teodoro, napapanahon ang ganitong hakbang sa pagpapalakas ng depensa ng dalawang bansa.
Hakbang rin aniya ito para sa Status of Visiting Forces Agreement ng Pilipinas at NZ.
Ayon naman kay Deputy Prime Minister Peters, ang pagpapabuti sa defense relationship ng dalawang bansa ay tugon sa tensyon na nagaganap sa West Philippine Sea.
Nagpahayag rin ito ng suporta kay Teodoro dahil sa mga isinusulong nito na may kauganayan sa paglaban sa transnational organized Crime at iba pang usapin.