-- Advertisements --

Suportado ni Department of Defense (DND) Secretary Delfin Lorenzana ang desisyon ng Philippine Military Academy (PMA) na ipagpaliban ang gaganaping alumni homecoming.

Ito ay kasunod pa rin sa banta ng novel coronavirus.

Ayon sa kalihim, na maganda rin ang ginawa ng PMA leadership na isara sa turista ang PMA para na rin sa kaligtasan ng mga kadete laban sa mga virus.

Nakatakda kasi ang PMA alumni Homecoming mula Pebrero 14 hanggang 16.