-- Advertisements --
sea patrol west ph sea navy

Suportado ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang posisyon ng Estados Unidos hinggil sa ginagawang pananakop ng China sa West Philippine Sea.

Sa pahayag na inilabas ng Defense department, sinabi ni Sec. Lorenzana na sang-ayon siya na dapat may “rules-based order” na umiiral sa West Philippine Sea.

Nanawagan ang kalihim sa China na tumalima sa ruling ng Permanent Court of Arbitration na kumilala sa karapatan ng Pilipinas sa exclusive economic zone nito sa karagatan.

Umapela rin ang kalihim sa Beijing na sumunod sa United Nations Convention on the Law of the Seas o UNCLOS, kung saan signatory ang China.

Giit ni Lorenzana, para sa “best interest” at stability ng rehiyon dapat pakinggan ng China ang panawagan ng international communities na sumunod sa international law at respetuhin ang mga international agreements.

Una rito nagpalabas ng press statement ang US Department of State, kung saan tiniyak ng Estados Unidos na layon nilang panatilihin ang stability at freedom of navigation sa Indo-pacific Region sa gitna ng iligal na pag-angkin ng China sa malaking bahagi ng West Philippine Sea at pambubully nito sa mga bansang claimant din ng pinag-aagawang teritoryo.

Samantala, pormal ng na-commissioned sa active service ang kauna-unahang missile Frigate ng Philippine Navy na ginanap sa Alavar wharf, Subic Zambales noong July 10,2020.

Sa ngayon, wala pang desisyon kung saan idedeploy ang BRP Jose Rizal pagkatapos ng kaniyang maiden mission.

Pero dahil sa itinuturing na “strategic asset” ang BRP Jose Rizal idedeploy lang ito kung kailangan.

Sinabi ni Lorenzana, malaking dagdag sa capabilities ng Philippine Navy ang bagong warship.