Suportado ng Department of National Defense ang pangako ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na pagpapatupad ng full implementation ng Bangsamoro Peace Agreement.
Ito ang inihayag ni DND Sec. Carlito Galvez Jr. kasabay ng ika-9 na anibersaryo ng Comprehensive Agreement on the Bangsamoro (CAB) sa pagitan ng pamahalaan at Moro Islamic Liberation Front.
Kaugnay nito ay nangako ang kalihim na mananatili bilang “vanguards of peace and security” sa Bangsamoro ang DND at Armed Forces of the Philippines.
Kasabay ng pagtitiyak ng hindi nito hahayaan ang mga “peace spoilers” na muling maghasik ng karahasan at balewalain ang nakamit na kapayapaan sa lugar.
Habang sinabi rin ni Galvez na titiyakin ng Security Sector ang paghahanda para maging payapa ang unang regular elections sa darating 2025 sa Bangsamoro region.