-- Advertisements --

Tiniyak ng Department of National Defense (DND) na tatalima sila sa direktiba ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr para magkaroon ng matatag na relasyon ang Pilipinas sa karatig bansa nang hindi nakokompormiso ang soberanya at teritoryo ng bansa.

Ito ang inihayag ni DND spokesperson Arsenio Andolong matapos ihayag ng Punong ehekutibo sa kaniyang SONA ang independent foreign policy kung saan ang bansa ay naghahangad na maging kaibigan ang lahat at walang kaaway.

Makakamtan aniya ito sa pamamagitan ng aktibong engagement at dayalogo sa foreign defense at military counterparts ng Pilipinas.

Ayon kay Andolong na mahigpit ang direktiba ng Pangulo na walang isusuko ang ating bansa ni isang pulgada ng ating teritoryo sa anumang makapangyarihang bansa.

Kaugnay nito, patuloy na isusulong ng DND ang modernization ng Armed forces of the Philippines at magtatag ng isang credible na depensa na magpapahintulot sa atin para mapaigting pa ang ating maritime at air domain awareness operations at magtatag ng isang mas malakas na presensiya sa ating strategic border areas at teritoryo.

Pinuro din ng DND official ang desisyon ng Pangulong Marcos na iprayoridad ang isa sa mga legislative measures may kinalaman sa defense at security sectors.

Kabilang dito ang Mandatory Reserve Officers Training Corps (ROTC) para sa Senior High School, ang National Defense Act (NDA) at ang Unified System of Separation, Retirement and Pension.