-- Advertisements --

Sunod-sunod ang mga kalamidad na tumatama sa bansa dahil na rin sa Climate Change at iba pang mga dahilan.

Kaugnay nito ay siniguro ng Department of National Defence na lahat ng mga lokal na pamahalaan na sinalanta ng mga kalamidad ay makakatanggap ng tulong mula sa national government.

Ayon kay NDRRMC chair at Defence Secretary Gilberto Teodoro Jr., walang maiiwan sa ginagawang pagtugon ng gobyerno.

Ginawa ng kalihim ang pahayag kasabay ng pagbibigay nito ng papuri sa lahat ng mga ahensyang nagtutulong-tulong para maihatid ang ayuda sa mga naapektuhan lugar.

Samantala, sinabi naman ni Office of Civil Defense (OCD) Administrator, Undersecretary Ariel Nepomuceno na ang pagtutulungan ng mga pangunahing ahensya ng gobyerno ay nagpapakita lamang ng iisang layunin.

Ito ay upang matiyak ang kaligtasan ng publiko at maihatid ang pangangailangan ng mga ito.