Kumpiyansa si Defense Secretary Delfin Lorenzana na matutuloy na ngayong taon ang Joint RP-US Balikatan exercises.
Ayon sa kalihim kabilang sa kanilang napag-usapan ng top US
defense official na si Sec. Lloyd Austin ay ang taunang joint military exercises na nasuspinde nuong nakaraang taon dahil sa Covid-19 pandemic.
Sinabi ni Lorenzana, posible sa buwan ng Mayo ng kasalukuyang
taon matutuloy na ang Balikatan exercises.
Una ng inihayag ng kalihim na mahalaga sa Armed Forces of the
Philippines (AFP) ang mga ibinibigay na trainings ng US Armed Forces
lalo na at nae-exposed ang mga sundalo sa mga makabagong
kagamitan na meron ang Amerika.
Sa kabilang dako, pabor si Lorenzana at ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na ipagpatuloy pa rin ang Visiting Forces Agreement (VFA) sa pagitan ng Pilipinas at Amerika.
Subalit tanging si Pang. Rodrigo Duterte lamang ang makakapag
desisyon kung tuluyan nitong ibasura ang VFA o itutuloy pa rin.
Dalawang beses ng sinuspinde ni Pangulong Rodrigo Duterte ang
termination ng VFA at ang pangalawang suspension ay magtatapos sa
August 6,2021.
Giit ng kalihim, malaki ang ambag sa Philippine Military ang VFA dahil
sa mga trainings, equipment na ibinibigay ng Amerika at napapalakas
pa ang interoperability ng dalawang bansa.
Umaasa din si Lorenzana na hindi magbabago ang polisiya ng
Amerika sa Indo-Pacific region sa ilalim ng Biden administration.
Binigyang-diin naman ng kalihim na napakaganda at matatag ang
relasyon ng Pilipinas at Amerika, gayundin sa mga kaibigan nitong
bansa.
Sa kabila ng isyung territorial disputes ng Pilipinas at China, sinabi ng
kalihim ang relasyon naman ng Pilipinas at Beijing ay very cordial at friendly simula ng maupo sa pwesto si Pang.Duterte.
Home Nation
DND,AFP pabor na ipagpatuloy ang VFA; Balikatan exercises posibleng tuloy na sa Mayo – Lorenzana
-- Advertisements --