-- Advertisements --

Inihayag ng Pag-ibig Fund na posibleng maging times 2 ang makukuhang benepisyo ng mga miyembro nito sakaling simulan na ang 100% increase sa kontribusyon ng mga ito sa susunod na buwan.

Ito ang naging pahayag ni PAGIBIG Deputy Chief Executive Officer Alexander Aguilar .

Sa loob ng 20 taon, ang minimum na hulog ng isang miyembro ng Pag Ibig o ang tinatawag na maturity benefit ay nasa kasalukuyang P 87,000.

Sakaling matulog ang dagdag kontribusyon sa susunod na buwan, posibleng umakyat na ito sa P174,000 maturity benefit.

Sa kasalukuyan, ang cash loan o multi purpose loan na maaaring mahiram ng mga miyembro nito ay umaabot lamang sa P22, 000 at aakyat na ito sa P44,000

Ayon sa Pag-ibig, sa oras na maitaas ang kontribusyon, posibleng pumalo na sa P38 billion pesos ang karagdagang pondo ng kanilang tanggapan.

Ito aniya ay malaking tulong upang manatiling mababa ang interes ng housing loan para da kanilang mga miyembro.