-- Advertisements --
Umatras na sa pagtakbo sa pagka senador sa 2025 midterm election ang Cardiologist na si Doc Willie Ong.
Ayon kay Doc Willy, ang pag-atras nito ay dahil na rin sa lagay ng kanyang kalusugan.
Ginawa nito ang kanyang kumpirmasyon sa kanyang social media account.
Una nang na diagnose ang naturang health advocate na mayroong cancer noong September ng nakaraang taon.
Ayon sa kanyang doktor , nakita sa kanya ang 16 x 13 x 12 sentimetro ng sarcoma sa kanyang abdomen.
Sa ngayon ay patuloy ang pagsasailalim nito sa gamutan.