-- Advertisements --
ILOILO CITY -Lalo pang nadagdagan ang bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 na mga staff ng Rep. Pedro G. Trono Memorial Hospital sa Guimbal, Iloilo.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay Dr. Cynthia Cabangal Ng, head ng Hospital Management Office ng Iloilo Provincial Government, sinabi nito na mula sa 29, umabot na sa 38 ang nahawaan ng virus.
Matandaan na sang noong nakaraang, 15 ang unang narecord na nagpositibo sa virus na naging dahilan ng pag lockdown sa ospital.
Ayon kay Ng, 267 lahat ang mga staff ng ospital na binubuo ng mga doktor, nurses, nursing aides at iban pang personnel.
Dagdag pa ni Ng na karamihan sa mga pasyente ay mild asymptomatic ang kondisyon.