Ikinalungkot ng mga kasamahan sa trabaho ng kilalang doctor sa New York City na nagpakamatay dahil sa hindi nakayanan ang pagiging frontliners na lumalaban sa coronavirus.
Si Dr. Lorna Breen na medical director of the emergency department sa New York-Presbyterian Allen Hospital sa Manhattan natagpuan nagpakamatay ng kaniyang kaanak sa bahay nito sa Charlottesville, Virginia.
Ayon sa ama nitong si Dr. Philip Breen, na walang dinaranas na mental illness ang anak.
Noong nakaraang mga linggo ay nagkasakit ito at bumalik sa trabaho matapos ang isang linggo subalit muling nanumbalik ang sakit.
Dahil dito ay pinauwi siya ng mga opisyal ng pagamutan.
Itinuturing ng New York-Presbyterian Allen hospital si Dr. Breen bilang isang bayani dahil sa trabaho niya sa emergency department.
Sinabi naman ni Police chief RaShall Brackney na ang mga frontline healthcare professionals at first responders ay hindi immune sa mental at physical effects ng kasalukuyang pandemic.
Umaabot na kasi sa mahigit 17,500 na ang nasawi sa New York matapos dapuan ng nasabing virus.