-- Advertisements --

Nagpositibo sa coronavirus ang doctor na nakasama ni Russian President Vladimir Putin.

https://www.instagram.com/p/B-HnkugF5MG/

Si Denis Protsenko ang siyang nakasama ng Russian President ng umikot sa Kommunarka hospital sa Moscow.

Sa kaniyang social media post, inamin ng doctor na ito ay nagpositibo sa virus kaya minabuti niyang mag-isolate ng sarili.

Magugunitang nakasuot ng hazmat suit at respirator ang Russian President bilang protection sa virus habang isinagawa ang pagbisita nito pagamutan.