-- Advertisements --
Pinayuhan ng mga doctor ang kaanak ni Eddie Garcia na limitahan na ang kanilang mga bisita.
Sa pinakahuling medical bulletin ng actor na nakadepede pa rin sa ventilator ang actor para huminga.
Ang paglimita sa mga bibisita sa actor ay para maiwasan ang anumang kumplikasyon ang maaaring matamo ng actor.
Sa kasalukuyan ay nasa kritikal pa rin ang kondisyon ng actor matapos na ito ay magtamo ng cervical fracture.