Itinutulak ni dating health secretary at House Deputy Majority Leader at Iloilo Representative Janette Garin na dapat magbigay ng libreng maintenance na gamot para sa mga taong may diabetes at hypertension, at dapat kabilang ito sa mga tutukan sa ilalim ng 2025 national budget sa ilalim ng sektor ng kalusugan.
Ito ay kasunod ng pahayag ni House Speaker Martin Romualdez na titiyakin ng Kamara ang sapat na pondo para sa kalusugan sa panukalang P6.352 trilyong budget para sa taong 2025.
Tinanong kasi si Garin kung ano pa ang dapat bigyan ng alokasyon sa panukalang pondo para sa 2025.
Inihayag ng mambabatas na kapag ang gastusin ng kalusugan ay naiibsan makakagalaw ng taumbayan at makaka contribute sila sa ekonomita ng bansa.
Hirit din ni Garin na magkaroon ng libreng cancer treatment sa bansa.
Sa ilalim kasi ng Medical Assistance Program (MAP) binibigyan ng tulong pinansyal ang mga inbidwal na nangangailangan na may kaugnayan sa kalusugan.
Sa kanyang pamumuno sa Department of Health (DOH), nakapagbigay siya ng mga libreng gamot para sa diabetes tulad ng Metformin habang Amlodipine, Losartan, at Metoprolol ay ibinigay para sa hypertension.
Samantala, pinaalalahanan ni Garin ang publiko na isagawa ang malusog na pamumuhay at iwasan ang mga hindi malusog na gawain tulad ng physical inactivity, paninigarilyo, at pag-inom ng alak.