Nananawagan si House Deputy Majority Leader Janette Garin sa liderato ng senado at Kamara na bigyang pansin at gawing prayoridad ang pag-amyenda sa Universal Health Care Law.
Sinabi ni Garin na palitan man ng ilang beses ang pinuno ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) magiging useless ito kapag hindi naamyenda ang UHC Law.
Ginawa ni Garin ang pahayag dahil plano nito maghain ng House Resolution na hinihikayat ang House Committee on Health na rebyuhin ang ilang provisions sa UHC Law lalo at mayruon itong tinatawag na “killer provisions.”
Si Garin na dating kalihim ng DOH, isang doktor at vaccinologist, ay nagsabi na hindi na kailangan ng health interventions gaya ng gamot, vaccines at medical devices kapag sumailalim sa Phase IV clinical study.
Batay kasi sa Section 34 sa UHC law dapat magkaroon muli ng health interventions.
Binigyang-diin ng Kongresista matapos ang Phase III clinical trial, kinukunsidera na ang health interventions na safe at efficacious.
“With this requirement of Phase IV, Filipinos will have no recourse but to go to other countries to gain access to any breakthrough in science. This Section 34 of UHC is just one of the many provisions deemed restrictive and detrimental to health care accessibility,” pahayag ni Garin.
Binatikos din ni Garin ang pagbuo ng Health Technology Assessment Council (HTAC), dahil ito ay naimpluwensiyahan ng anti-pharmaceutical groups at mga dating officials na nais i-empower ang kanilang sarili.
Simula pa nuong 18th Congress isinusulong na ni Garin ang pag amyenda sa nasabing probisyon subalit naka pending ito sa committee level simula nuong Agust 2020.