-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Hawak na ng mga otoridad ng Caraga Region ang kinikilalang doctor to the barrio na nahaharap sa kasong kidnapping at serious illegal detention.

Base sa isinagawang intelligence monitoring, surveillance at imbestigasyon ng kapulisan, kinilala ni PNP (Philippine National Police) Chief PGen. Dionardo Carlos na kasapi ng Communist Party of the Philippines (CPP) – Central Committee ang naarestong si na si Dr. Nasty Castro.

Lider din umano siya ng CPP-New People’s Army (NPA) National Health Bureau na nakabase sa Butuan City.

Sa bagong impormasyon mula sa Police Regional (PRO)-13 at sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan kay Pol. Maj. Dorothy Tumulak, ang tagapagsalita ng PRO-13, “disclose” ang mga nakuhang impormasyon ng PNP at Armed Force of the Philippines sa kaso ng suspek.