-- Advertisements --
brian skull
Human brain image (photo courtesy medicalxpress.com)

“Shocking news” ang bumulaga sa isang New York woman at mga doctor na sumusuri sa kanya nang matuklasan ang nasa loob ng kanyang skull.

Una rito ang 42-anyos na pasyente na si Rachel Palma ay nakakaranas daw ng kakaibang sakit ng kanyang ulo at kakatwang mga symptoms kasama na ang hallucinations.

Dito na nagdesisyon ang mga dokor na magsagawa nang pag-scan sa kanyang utak na sa una ang buong akala nila ay brain tumor ang dahilan.

Maging si Palma ay inihanda na rin umano ang kanyang sarili sa posibleng maselang operasyon kasama na ang chemotheraphy at radiation.

Sa ulat ng WCYB, gayon na lamang ang labis na gulat ng mga doktor na hindi pala tumor ang nasa loob ng bungo ng babae kundi isang uri ng parasite.

Natukoy ng mga surgeons na ang mistulang sugat sa utak ni Palma na nakausli o marble size tumor ay hindi pala cancerous growth.

Ito pala ay isang baby tapeworm na kanilang ikinagulat.

“A baby tapeworm came out of that lesion,” ani Dr. Jonathan Rasouli, chief neurosurgery resident ng Icahn School of Medicine.

Samantala, matapos na matanggal ang parasite ay hindi na nangailangan pa ng mahabang operasyon si Palma hanggang sa naging maayos na ito at wala na rin siyang nararamdamang kakatwa sa ulo.

Hanggang ngayon ay misteryo pa at pambihirang pangyayari kung papaano napunta sa loob ng kanyang ulo ang isang tapeworm.

parasite palma
Rachel Palma of Middletown, New York (photo grab from Inside Edition)

Ayon naman sa ilang mga eksperto maaaring mahawaan ng parasite ang isang tao kung makakain ng maliit na tapeworm eggs na maaring manggaling sa dumi.

Liban dito dapat ding tiyaking nahugasan ng mabuti ang kakaining gulay at prutas.

Dapat ding matiyak na maayos na nailuto ang pagkain para makaiwas sa parasite infection.