-- Advertisements --
Kinondina ng grupong Doctors Without Borders (MSF) ang panibagong strikes ng Israel sa Al-Aqsa Hospital.
Ayon sa grupo na ang nasabing pag-atake sa mga medical facilities ay hindi katanggap-tanggap.
Doon kasi pansamantalang nagtatago ang mga nawalan ng mga tahanan dahil sa patuloy na labanan.
Sa nasabing atake ay limang katao ang nasawi at 18 ang sugatan.
Ito na ang pangatlong beses na inatake ng Israel ang nasabing pagamutan na una ay noong Marso 31 at pangalawa ay noong Hulyo 22 at pangatlo nitong Agosto 4.
Nanawagan ang grupo sa magkabilang panig na dapat irespeto ang mga pagamutan at paaralan.