-- Advertisements --
BUTUAN CITY – Nag-courtesy call sa Caraga-Regional Disaster Risk Reduction and Management Council- Emergency Operations Center ang mga delegado mula sa Medecins Sans Frontieres (MSF) o mas kilalang Doctors Without Borders sa pangunguna ni head of mission Jean-Luc Anglade.
Dito sila kumuha ng mga updates sa epektong hatid ni bagyong Odette sa Caraga Region.
Ang Medecins Sans Frontieres, isang international humanitarian medical non-governmental organization na mula sa France at nakilala dahil sa kanilang mga proyekto sa mga magugulong lugar at mga bansang apektado ng endemic diseases at mga kalamidad.