-- Advertisements --
Humina na ang hatak ng bagyong Dodong sa hanging habagat.
Ito’y makaraang makalabas na ng Philippine area of responsibility (PAR) ang naturang sama ng panahon.
Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 1,165 km hilagang silangan ng extreme Northern Luzon.
May lakas itong 45 kph at pagbugsong 60 kph.
Kumikilos ito nang pahilaga hilagang silangan sa bilis na 35 kph.
Samantala, magkakaroon pa rin ng mga pag-ulan sa ilang bahagi ng bansa ngayong araw dahil sa umiiral na habagat at thunderstorms.