-- Advertisements --
Dodong 3

Lalabas na mamayang gabi sa Philippine area of responsibility (PAR) ang tropical depression Dodong.

Pero ayon sa Pagasa, magpapatuloy pa rin ang pagbuhos ng ulan sa malaking parte ng ating bansa.

Palalakasin pa rin kasi ng papalayong bagyo ang hanging habagat na nakakaapekto sa Metro Manila, Central Luzon at ilang parte ng Visayas.

Huling namataan ang sentro ni “Dodong” sa layong 705 km silangan ng Basco, Batanes.

May taglay itong hangin na 45 kph at may pagbugsong 60 kph.

Kumikilos ang sama ng panahon patungong hilaga hilagang silangan sa bilis na 15 kph.

Patuloy namang inaalerto sa malalakas na pagbuhos ng ulan, baha at landslide ang mga residente ng MIMAROPA (Northern Palawan, Mindoro Provinces, Romblon and Marinduque), Western Visayas (Aklan, Antique, western Iloilo, Guimaras and Negros Occidental), bahagi ng Bicol Region (Masbate, western sections ng Camarines Sur, Albay, at Sorsogon.

Habang may mga inaasahan ding buhos ng ulan sa Metro Manila, western portions ng Central Luzon (Zambales, Bataan, Pampanga and Bulacan), Mindoro Provinces at Western Visayas hanggang bukas.