-- Advertisements --

Tuluyan ng nakalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Tropical Depression Dodong.

Ayon sa PAGASA, dakong 9:30 p.m. ng Miyerkuley ay nakita ang sentro ng bagyo sa may 755 kilometers east-northeast ng Basco, Batanes.

May lakas pa rin ito ng hangin na 45 kph at pagbugso ng hanggang 60kph.

Isang low-pressure area naman ang namumuo sa may 435 km west-northwest ng Coron, Palawan pero inaasahan na ito ay posibleng malusaw sa loob ng 12 hanggang 24 oras.