-- Advertisements --
Magtatagal pa sa loob ng Philippine area of responsibility (PAR) hanggang bukas ang tropical depression Dodong dahil sa pagbagal nito.
Ayon kay Pagasa forecaster Ezra Bolquirin, nangangahulugan ito ng mas matinding paghatak ng habagat na magdadala ng ibayong pagbuhos ng ulan.
Huling namataan ang bagyo sa layong 700 km silangan ng Calayan, Cagayan.
May lakas itong 45 kph at may pagbugsong 60 kph.
Kumikilos ang sama ng panahon nang pahilagang silangan sa bilis na 10 kph.
Babala ng Pagasa, paghandaan ang malalakas na pag-ulan ngayong araw hanggang bukas, na maaaring magdulot ng pagbaha at pagguho ng lupa sa Metro Manila, Central Luzon at ilang parte ng Visayas.