Nilagdaan ng Department of Energy (DOE) at Energy Regulatory Commission (ERC) ang isang makasaysayang kasunduan sa pagpapalitan ng datos na layong palakasin ang polisiya, mapabuti ang regulasyon, at itaguyod ang transparency sa sektor ng enerhiya sa Pilipinas.
Ang naturang kasunduan ay pinirmahan nina Energy Secretary Raphael Lotilla at ERC Chairperson Monalisa Dimalanta sa isang pagtitipon sa tanggapan ng DOE sa Taguig City, Abril 14, 2025.
Ayon kay Undersecretary Lotilla, ang kasunduan din ay layong magbigay daan sa mas mabilis at mas maayos na pagpapalitan ng datos, na tutugon sa mga problema ng sektor ng enerhiya sa bansa.
Binigyang-diin pa sa kasunduan ang mga saklaw sa iba’t ibang aspeto ng industriya ng kuryente at renewable energy, kabilang ang power generation, grid integration, at off-grid electrification.
Bukod dito magtatalaga din ang mga ito ng focal persons sa DOE at ERC para masiguro ang koordinasyon sa pagpapalitan ng transmission at ang pagpapatupad ng mahigpit na mga protocol para sa seguridad ng mga datos.
Pinaliwanag naman ni Chairperson Dimalanta na ang kasunduan ay magpapalakas sa kakayahan ng ERC na suriin ang sistema ng enerhiya, tuklasin ang mga potensyal na isyu, at gumawa ng mga hakbang na nakabatay sa aktwal na kondisyon ng industriya.