Pinagpapaliwanag ni Senate committee on energy chairman Sen. Sherwin Gatchalian ang Department of Energy (DoE) at National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) dahil sa idineklarang red alert dahil sa kakapusan ng power supply na naging dahilan ng brownout sa ilang lugar sa Luzon.
Nangyari kasi ito sa kabila ng pagtitiyak ng DoE na nasa maayos na kondisyon ang mga planta at may sapat ding koryente.
Nagtataka si Gatchalian sa sunod sunod na maintenance shutdown ng mga power plant sa mga nakalipas na araw.
Iginiit ni Gatchalian na ginarantiya sa kanila ng DoE na hindi magkakaroon ng pagbabawas dahil sa sapat na supply nito.
Nais tuloy busisiin ni Gatchalian kung namomonitor ng ahensya ang mga power plant at kung talagang batid kung ano ang tunay na dahilan ng malaking pagbabawas ng koryente na umabot halos sa 1,300 Megawatts.