-- Advertisements --
Inatasan ng Department of Energy (DOE) ang mga kumpanya ng langis na maagang magpalabas ng mga abiso tungkol sa taas-presyo dahil sa pagmamahal ng mga produkto at taas-presyo dahil sa dagdag-buwis.
Inaasahan na kasi ng DOE na masusundan muli ang ipinatupad na dagdag presyo sa mga produktong petrolyo dahil sa dagdag-buwis sa mga imported na petrolyo.
Posibleng tumaas ng mahigit P1.00 ang itataas sa kada litro ng gasolina, diesel at kerosene.
Sa loob kasi ng nagdaang limang linggo ay umabot na sa P5.90 ang itinaas sa kada litro ng diesel habang P8.05 naman ang itinaas sa kada litro ng kerosene.