-- Advertisements --

Desidido ang Department of Energy (DOE) na dagdagan ng nuclear energy ang suplay ng kuryente sa bansa.

sinabi ni DOE Secetary Alfonso Cusi, na mayroon silang ginagawang paraan para makontrol ang umanoy negatibong epekto nito.

Depensa nito na mahalaga sa pag-unlad ang dagdag na pagkukuhanan ng kuryente para maiwasan ang brownout.

Ilang mga lugar kung saan ilalagay ang mga modular nuclear plant ay sa Sulu, Cagayan at Palawan.

Tiniyak nito na magiging transparent sila at kanilang kukunsultahin ang lahat.

Aminado naman ang kalihim na aabutin pa ng ilang taon bago maitayo ang mga modular nuclear plant.