-- Advertisements --

Pina-plantsa na ng Department of Energy (DOE) ang ilang hakbang para tuluyan nang maibalik ang 100% supply ng kuryente sa ilang lalawigan sa Bicol region matapos hagupitin ng magkakasunod na bagyo.

Ayon kay Energy Sec. Alfonso Cusi, dodoblehin pa ng kanyang kagawaran ang pagsisikap para maibalik ang electric supply ng rehiyon, lalo na ng Catanduanes na pinaka-sinalanta ng nagdaang mga kalamidad.

“With other areas slowly getting back on their feet, we must double our efforts in assisting those that need more help, particularly the Catanduanes province. The FICELCO urgently needs our full support, and we are thankful that the entire energy family remains up to the task of lighting up all affected households,” ani Sec. Cusi.

Nitong weekend, magkakasamang sinuri nina Energy Usec. Wimpy Fuentebella, National Electrification Administration (NEA) Deputy Administrator Nikki Tortola, at National Power Corporation (NPC) Vice Pres. Rogel Teves ang sitwasyon ng lalawigan.

Batay sa report ng NPC, ilang bahagi ng hilagang Catanduanes na ang may supply ng kuryente. Hinihintay lang daw nila ang kumpas ng distribution utilities para maibaba ng power generation facilities ang electric supply sa iba pang parte ng probinsya.

“He added that Balongbong Hydro Power Plant is getting ready to provide additional power supply, and that the 69-kilovolt transmission line is ready to deliver power,” ayon sa DOE press release.

Ang NEA at Philippine Electric Cooperatives Association (PHILRECA) naman ay tumulong na rin para mapabilis ang power restoration sa mga lugar na sakop ng First Catanduanes Electric Cooperative (FICELCO).

DOE CATANDUANES 2
IMAGE | DOE handout

Ayon kay FICELCO General Manager Raul Zafe, may 322 personnel mula sa 39 na electric cooperatives na ang nanguna sa power restoration activities.

“To date, the level of energization stands at 20.21%, with the Gigmoto, and San Miguel areas still needing to be energized.”

Tiniyak ng Energy department na babalangkas pa sila ng mas komprehensibong plano para matulungan ang Catanduanes na makabangon matapos salantain ng mga bagyo.

“The energy family will continue looking into more comprehensive strategies to assist Catanduanes in building back better,” ani Usec. Fuentebella.