Inihayag ng Department of Energy (DOE) nitong Miyerkules na nagsimula na silang maghanda para sa La Niña para maiwasan ang mga pagkaabala dulot ng malalakas na pag-ulan at pagbaha dahil sa weather phenomenon.
Ayon kay Energy Secretary Raphael Lotilla mayroon na silang inihandang mga hakbang dahil kung ang ulan ay masyadong malakas, tulad ng naranasan natin sa Bagyong Agon na. na-interrupt ang mga power lines, lalo na sa mga lugar na tinamaan ng malalakas na ulan, kinakailangan talaga umanong maghanda para sa mga contingency.
Dagdag pa ng DOE chief, ang pagbuhay muli ng reserve market’s operations sa susunod na dalawang buwan ay magbibigay-daan sa mga diesel at bunker fuel power plants na mag-operate.
Ani Lotilla, ito ang tutulong para makayanan ang anumang posibleng pagkaantala dahil sa La Niña.
Gayunpaman, sinabi ng DOE chief na inaasahan ng ahensya na mas kaunti ang mga pagkaantala kumpara sa mga buwan ng El Niño, na tumagal mula Hulyo 2023 hanggang unang bahagi ng Hunyo 2024.