-- Advertisements --
Kinuwestiyon ni Department of Energy Secretary Alfonso Cusi ang maagang pagbabala ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na makakaranas ng manipis na suplay ng kuryente ngayong dry season.
Ayon sa kalihim na inatasan na niya ang Power Bureau para tignan ang nasabing usapin.
Hindi aniya nararapat na magpalabas ng babala ang grido operator dahil sa dapat ay tinitiyak nila na mayroong sapat na suplay ng kuryente tuwing dry season.
Magugunitang nagpalabas ng paalala ang NGCP na sa buwan ng Abril hanggang Hunyo ay makakaranas ang mga ito ng manipis na suplay ng kuryente.
Tiniyak ni Cusi na ginagawa nito ang kanilang makakaya para masolusyunan ang nasabing usapin.