-- Advertisements --
Hindi pa binabanggit ng Department of Energy (DOE) kung magkano ang nakatakdang taas-presyo ng mga produktong langis sa susunod na Linggo.
Sinabi ni Rino Abad ang oil industry management bureau director ng DOE, na mayroong nakaambang pagtaas ng presyo ng mga produkto ng langis.
Ito na aniya ang pang-pitong magkakasunod na taas presyo ng mga produktong langis ngayong 2022.
Magugunitang nitong Pebrero 8 lamang ay nagtaas ng mahigit P1.00 sa kada litro ng mga produktong gasolina, diesel at kerosene.